Ows talaga?
Promise?
Kahit sabihin kong may promo ako na buy 10 get 1 free, ayaw mo pa rin?
Hindi nga?
Haha.
Oo nga pala, last last Sunday nanood ako ng Going Bulilit. Panalo sina Ping at Pong, pati ang spoof ng Matanglawin... Batanglawin with Kuya Kimco. Pero miss ko na sina Hopia, Kiray at John. Buti meron pa sina Igi Boy, Sharlyn, Nash at Kobi. At dahil natuwa ako masyado, narito ang sample ng palabas:
Basti: Kuya Dagul, wag ka lalapit sa mga unggoy ha?
Dagul: Bakit Basti, para safe din ako?
Basti: Hindi, baka hindi na kita makilala.
Haha. ;p
Hindi ito karugtong ng napanood ko sa Going Bulilit pero gusto ko lang talagang ilagay dito:
Mahilig akong mangolekta ng mga quotes na nakaka-agaw ng atensyon ko. Katunayan nga, meron akong notebook kung saan nakalista ang mga ito. Pero kaninang wala akong magawa, naisipan kong palitan ang iba sa mga ito:
"We'll cross the bridge, when there's a bridge."
"When it rains, tanggalin mo yung sampay sa labas!"
Tingnang mabuti ang susunod na larawan:

"Ang guwapo niya, naiiyak ako."
PAHABOL: Hindi ko siya crush. Katatapos ko lang mapanood ang Hello My Teacher! na Korean drama. At nanood lang kasi ako kanina ng movie niya kasama si Kim Sun Ah a.k.a. Kim Sam Soon at bigla ko na lang nabanggit ang linya sa itaas. Ewan ko ba pero alam ko gaya ng dati, lilipas din ito. Makahanap nga ng bagong Korean drama na mapapanood.
No comments:
Post a Comment